Monday, September 29, 2014

Buhay OFW

Halos limang buwan na rin pala akong miyembro ng Kapisanan ng mga Bagong Bayani! (Clap clap clap sabay standing ovation)  Pero honestly, mahirap pala talaga ang mag hanapbuhay sa ibang bansa.. 

Unang una mong kalaban ang pangungulila. Marahil ay nagkamali ako sa akalang mas makaka-move on ako sa pagkamatay ni mama pag nagpakalayo-layo ako... Ngayon hindi lang simpleng "homesickness"ang nafefeel ko kundi grief pa rin pala... Saka sobrang sakit tuwing suweldo. Alam mo yung feeling na sumasahod ka ng napakalaki (pag converted to PHP of course) pero di ka 100% na masaya kasi di mo man lang naparanas sa nanay mo yung mas maginhawang buhay :( 

Pangalawa, wala kang choice kundi maging independent. Note to self: Trust no one but yourself. Masaya ring makihalubilo sa kapwa mo Pinoy pero lagi mo ring iisipin kung saang tropa ka mas mapapabuti. Yung iba kasi kung hindi pera eh sex lang ang habol sayo.

Pangatlo - totoo pala yung kasabihan na mas maaalala ka ng mga kamag-anak mo sa Pinas kapag kumikita ka na ng (fill in foreign currency here). May isa akong tito na minsan lang ako kinumusta sa Facebook tapos pagkatapos na pagkatapos ng "hi" nya eh sabay sabi ng "naghihintay kami ng grasya mula sayo"... Juice colored halos tumambling ako sa pagkaasar nang mabasa ko yun... Akala siguro nila porke mas malaki kinikita ko dito ay tumatae na lang ako ng foreign currency. Di lang nila alam kung paano ako sigaw sigawan ng amo kong PakPak (Pakistani) na akala mo eh sya na ang palaging tama... Haaay nakakasama ng loob lang talaga minsan...

Oh sya antok na ako, may pasok pa ako mamaya... Next time na lang ulit!


2 comments:

Mac Callister said...

ay OFW ka na din pala. san kan country if ok lang itanong hehe

nako deadma mo lang yang mga ganyan relatives. tignan mo ko hindi sila makahirit sa kin. LOL galingan mo lang palusot.

Mamon said...

Hay nako i feel for you. Mahirap talaga manirahan sa ibang bansa. Pero dahil likas naman tayong matatag kinakaya natin iyon. Good luck sa'yo jan!